Ina, 2 anak minasaker ama nag-suicide

112514 crime scenePINAGSASAKSAK ng isang lalaki ang dalawa niyang anak at kanyang misis at pagkaraan ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili dakong 11 p.m. kamakalawa sa Brgy. Tubod, Iligan City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-anak, nakarinig sila ng sigaw ng ginang na si Roallyn Lañojan. At nang manahimik, tumawag sila ng pulis.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, hindi agad nila nabuksan ang bahay ng pamilya dahil nakakandado ito.

Nang idistrungka, tumambad sa kanila ang patay nang si Roallyn at mga anak na sina Crizel Joy, 5, Dodong, 2-anyos.

Habang sugatan ang amang si Bernabe na itinakbo sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa mga pulis, may natagpuang suicide note sa bahay ng pamilya. Posible anilang dahil sa selos kaya pinaslang ng ama ang kanyang mag-iina.

Kwento ng mga kapitbahay, walang trabaho si Bernabe habang tindera sa ukay-ukay ang kanyang asawa.