Monday , May 20 2024

Inaway ni misis adik nagbigti

080614 bigtiWINAKASAN ng isang drug user ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraan ang mainitang pakikipag-away sa kanyang misis tungkol sa pera kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Nanding Paragas, nasa hustong gulang, residente ng 718 Gozon Compound, Rizal Avenue, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO1 Edsel Dela Paz, dakong 8:30 a.m. nang matagpuan ang nakabigting biktima sa unang palapag ng inuupahang bahay sa nasabing lugar.

Nauna rito, nakasagutan ng biktima ang misis niyang si Remy dahil sa problemang pinansiyal na humantong sa mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay hindi na nakausap ang biktima hanggang matagpuan ang kanyang bangkay na nakasabit sa bakal ng railing ng hagdanan sa unang palapag ng bahay.

Narekober ng mga awtoridad sa bulsa ng biktima ang sachet ng shabu na nakabalot sa P20 pesos na papel.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *