This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
VIGAN CITY β Sugatan ang isang lasing makaraan pagtatagain ng isang lalaki nang magwala ang biktima sa Brgy. Nagtengnga, bayan ng Sta.Cruz, Ilocos Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Marcelino Harulina, habang ang suspek ay si Charlie Bruno, parehong naninirahan sa nasabing barangay.
Batay sa impormasyon, nagtungo ang suspek sa bahay ni Erwin Rumino ngunit hindi niya nakita at doon nadatnan niya si Harulina na lasing.
Nag-amok ang biktima ngunit hindi niya pinansin. Ngunit hindi tumigil ang biktima kaya pinagtataga siya ng suspek.