2 suspek tiklo sa rape sa 11-anyos

111114 rapeNAGA CITY – Swak sa kulu-ngan ang dalawang lalaki makaraan halayin ang 11-anyos batang babae sa Lucena City kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek sa pangalan na Juan, 52, at Andres, 59.

Sa pahayag ng biktima, dakong 1 a.m. nang gisingin ni Juan ang biktima upang makipagtalik sa kanya.

Pinagbantaan aniya siya ni Juan na huwag magsusumbong kahit kanino at dahil sa takot ay hindi nakapanlaban ang biktima hanggang maisagawa ng suspek ang kahalayan sa kanya.

Nagsilbing look out si Andres sa labas ng bahay habang isinasagawa ni Juan ang panghahalay.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa kanila.