This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CEBU CITY – Kritikal ang kondisyon ng isang security guard ng Vicente Sotto Memorial Medical Center-center for behavioral sciences makaraan saksakin ng pasyente ng pagamutan kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Jonatahan Flordeliz, 47, at residente ng Brgy. Cogon-Pardo, Lungsod ng Cebu.
Ayon kay VSMMC-Behavioral Sciences head Dr. Rene Obra, ang pasyente ay dinala sa kanilang pagamutan kamakalawa dahil iba na ang kinikilos makaraan namatayan ng anak.
Dagdag ni Obra, kalmado ang 28-anyos pasyente na nagpalakad-lakad lang sa hallway.
Inoobserbahan ang pasyente simula nang dalhin kamakalawa kaya malaya siyang nagpagala-gala hanggang sa nakasalubong ang isang medical staff na bahagya niyang binundol.
Hindi inakala ng staff na sa pagkasalubong ay kinuha pala ng pasyente ang surgical knife na nasa medical kit.
Nabulabog ang lahat nang nakitang sinaksak ng pasyente ang gwardiya na nakatayo sa harap ng pintuan.
Napag-alaman, ang pasyente ay naging adik sa loob ng dalawang taon.