Monday , November 29 2021

Baka kinagat, amo ng aso binoga

112514 crime sceneCAUAYAN CITY, Isabela – Sugatan ang isang 65-anyos magsasaka makaraan barilin ng lalaking may-ari ng baka na kinagat ng aso ng biktima kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Gavina, residente ng Aneg, Delfin Albano, Isabela, habang ang ka-barangay na bumaril sa kanya gamit ang shotgun ay si Elmer Barcelo.

Sa imbestigasyon ng Delfin Albano Police Station, naglalakad si Gavina patungo sa kanyang bukid nang siya ay paputukan ng shotgun ni Barcelo.

Sinasabing hinahabol ni Barcelo ang aso ni Gavina makaraan kagatin ang kanyang ipinapastol na baka.

Hindi nahabol ni Barcelo ang aso kaya ang pinagbuntunan ng kanyang galit ay ang nakasalubong na si Gavina.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Gavina.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply