TILA sumiklab ang giyera sa loob mismo ng maximum security compound ng New Bilibid Prison makaraang bulabugin ito nang sunud-sunod na raid ni DOJ Secretary Laila De Lima. Pero teka muna, sa kabila ng mahigpit na tagubilin ni De Lima laban sa pagpapasok ng mga ilegal na kontrabando sa loob ng nasabing piitan gaya ng droga at baril…panabay na rin ang paglilipat sa 19 VIP inmates na sinasabing nasa likod ng illegal drug cartel sa mismong Bilibid, tila raw po may piniling mga personalidad ang kalihim ng DOJ.