This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINIYAK ng Department of Public Works and Highways kahapon, ipagpapatuloy nila ang pagtunton at pagbaklas sa ‘epal’ tarpaulins na inilagay kaugnay sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa Filipinas.
Ibinigay ni DPWH Metro Manila director Reynaldo Tagudando ang pagtitiyak makaraan magsimulang magsulputan ang mga tarpaulins sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Sinabi ni Tagudando, gagawin ng kanyang opisina ang kanilang bahagi sa paghahanda sa Papal visit sa pamamagitan ng pagbabaklas sa katulad na mga tarpaulin at signage.