1M deboto dadagsa sa Tacloban

taclobanINAASAHANG isang milyong deboto ang dadagsa sa Tacloban sa pagdating ni Pope Francis sa probinsya ngayong Sabado.

Ito ang inihayag ni Fr. Amadeo Alvero, spokesperson ng Archdiocese of Palo.

Banggit ni Alvero, nasa 120,000 lang ang papayagang makadalo sa open-air mass ni Pope Francis sa Tacloban Airport.

Bubuuin ito ng tig-1,000 delegado mula sa ibaโ€™t ibang parokya kabilang na ang Palo, Borongan, Catarman, Calbayog, Maasin, Cebu, Tagbilaran, Capiz at iba pa.

Dahil sa pagkontrol ng bilang ng mga tao sa mismong misa ay Inaasahan nilang sasalubungin ng ibang deboto ang Papa sa labas ng paliparan habang patungo siya sa Palo, Leyte para sa salo-salo kasama ang ilang nasalanta ng Bagyong Yolanda at lindol sa Bohol.

โ€œDito sa area ng motorcade, ito naman po ang pinakamarami po around 1 million from the airport going to the Archbishopโ€™s Palace.โ€