This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
UMAASA ang Malacanang na tutuparin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pahayag nilang hindi magiging banta sa seguridad ni Pope Francis ang New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sana pangangatawan ng mga rebeldeng komunista ang kanilang anunsyo at hindi lalabag sa kanilang sariling ceasefire declaration sa Papal visit.
Ayon kay Coloma, nagpapatuloy ang kanilang assessment at simulation sa magiging kilos ng convoy ng Santo Papa.
Kasabay nito, nilinaw ni Coloma na wala pang eksaktong halagang iniaanunsyo ang Office of the President (OP) kaugnay sa pagbisita ng Santo Papa.
Ngunit makakaasa aniya ang taongbayan na ang halagang gagastusin ay katulad lamang sa mga budget na inilalaan sa ibang mga state visit sa bansa.