Saturday , December 3 2022

Listahan ng inmates para sa pardon inihanda na ng Palasyo

pope francisINIHAHANDA na ng Palasyo ang pangalan ng ilang inmates na mabibigyan ng executive clemency ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maaaring ilabas na ang listahan ngayong linggo makaraan ang deliberasyon ng Office of the President.

Gayonman, hindi inihayag ni De Lima kung ilang inmates ang bibigyan ng clemency na kasali sa pinagpipilian.

Una rito, sinabi ng Bureau of Corrections na aabot sa 200 inmates ang kasali sa listahan.

Ang pardon ay ibibigay sa inmates na nakararamdam na ng sakit, inabandona na ng pamilya at wala nang mga bumibisita.

Ang pagpapalaya sa inmates ay bahagi ng Papal visit at magsisilbing regalo sa Santo Papa.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply