Thursday , June 4 2026

BIR Oplan Kandado ipinatupad sa Caloocan

110714 oplan kandadoNASAMPOLAN ang pitong tindahan ng spare parts ng motorsiklo sa ipinatupad na “Oplan Kandado” ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Sa pamumuno nina Region 5 District Director Gerry Florendo at Assistant District Director Grace Javier, ipinasara ang mga tindahan dakong 9 a.m. dahil sa paglabag sa Tax Code bunsod nang hindi pagbibigay ng tamang sales invoice, under declaration of sales, at hindi paghahain at pagbabayad ng value added tax o VAT.

Ayon kay Dennis Floresca, hepe ng Region 5 Station Investigation Division, ikinandado ang mga tindahang Cyclone Commercial na pag-aari ng isang Yaning Raspado; 2 Wheelers Motor Parts & Accessories, X-Power Racing, Roldan Cyclemate Corporation, JCW Motor World  ni Mary Kristine Benitez; Suncrest Motors at Series Motorworks, pawang matatagpuan sa M.H. Del Pilar St. at 10th Avenue, Grace Park, ng nasabing lungsod.

Ikinasa ang operasyon kaugnay sa programa ng BIR  na “Oplan Kandado” na ang mga negosyong may nilabag na batas sa buwis ay ikinakandado o isinasara.

Layunin ng programa na ipinatutupad sa buong bansa, na makakolekta ng tamang buwis at labanan ang tax  evasion ng ilang mapagsamantalang negosyante.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …