Thursday , June 4 2026

Marami na ang nagkaka-interes sa baguhang Psychic na si Mang Jose

101014 Psychic Mang Jose

00 vongga chika peterMay ilang mga anchor na may sariling radio show sa iba’t ibang radio stations ang nagpakita ng interes sa baguhang psychic na si Mang Jose. Medyo maingay na kasi ang pangalan ni Mang Jose sa showbiz lalo na’t nagkatotoo ang ilan sa mga predictions nito sa mga sikat na celebrities. Gusto i-guest ng mga kapwa namin announcers ang nasabing manghuhula para mahingan nila ng mga bagong predikisyon sa ating bansa at kung ano ang mga nakikita na mangyayari sa 2016 national elections.

Nabasa kasi nila ang mga publicity ni Mang Jose, na ini-predict na si Senator Bongbong Marcos ang hinulaan na mananalong presidente sa 2016. Recently lang ay tinawagan si Mang Jose para sa isang phone patch sa isang sikat na programa sa DZXL. Marami siyang ginulat na listeners nang ibigay na niya ang mga latest vibes na nakikita at nararamdaman niya sa kanyang taglay na kakaibang vision. Ipinaalam rin niya na labis siyang nalungkot nang magkatotoo ‘yung fearless forecast niya sa kanyang blogsite na magkakaroon ng lindol sa Visayas at kaguluhan sa pagitan ng Hong Kong at China na mga naganap na nga. Samantala naikuwento pala ni Mang Jose sa inyong columnist na bata pa lang siya ay ramdam na niya sa sarili na nakikita na niya ang hinaharap. Napatunayan niya ito, nang sabihan niya ang isang kapitbahay na buntis na kambal ang ipapanganak pero isa sa sa sanggol ay mamamatay.

Ganoon nga ang nangyari na labis siyempreng ikinalungkot ng bbaeng nagsilang. Magmula noon ay sumikat si Mang Jose sa kanilang lugar pero hindi niya ito ginawang propesyon pero di naglaon ay ginamit na rin niya para makatulong sa mga taong gustong hingin ang kanyang gabay. Abangan n’yo raw pala ang mga kamangha-manghang Pasabog ni Mang Jose sa kanyang bago- blogsite.

Pero makikita ninyo at maaaring bisitahin sa kanyang Official Facebook Fan Page na Mang Jose community.

Sa mga interesado sa kanyang serbisyo puwde n’yo siyang tawagan anytime sa kanyang CP no. 0921-2257653.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …