Ops! Huwag intrigahin na ‘jinx’ si John Lloyd Cruz sa career ni Angelica Panganiban. Kung meron mang dapat sisihin ay si Angelica ‘yun. Hindi kasi partikular ang actress sa kanyang katawan at mukhang tinatamad nang mag-diet kaya naging mailap tuloy ang project sa kanya. Never naman siyang pinabayaan ng ABS-CBN at binibigyan siya ng magagandang show, kaso kung hindi naman siya fit para sa role ano ang gagawin ng estas-yon? Tulad sa Passion de Amor na kaila-ngan niyang magpa-sexy. E, medyo mataba siya ngayon kaya nawala sa kanya ‘yung role at sabi ay pinalitan na siya ni Coleen Garcia. Sabagay may isa pa naman siyang regular show sa Kapamilya ang Banana Nites kaya may raket pa rin naman. Ang nakakalokah lang hindi na nga kagandahan ang career ng magandang aktres ay may sumulpot pang bagong problema na idinamay sa kasong concubinage na isinampa laban kay Derek Ramsay ng misis niya at ina ng anak na si Mary Christine Jolly Ramsay. Sa lahat raw kasi ng naging girlfriend ni Derek in the past ay tanging si Angelica lang raw ang naka-live in ng nasabing hunk actor. Marami raw ebidensiyang hawak si Mary Christine at ang abogadong si Atty. Argee Guevarra. Samantala agad humingi ng paumanhin si Derek kay Angelica sa pagkakasangkot nito sa issue. Lalabanan raw ni Derek ang bagong kasong kinakaharap. Masalimuot gyud!
ni Peter Ledesma