Friday , March 29 2024

Abangan ang mala-pelikulang ending tonight sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” sa Primetime Bida ng Kapamilya Network

092614 Paulo Avelino bea alonzo

00 vongga chika peterMatititinding emosyonal na eksena at maaaksyong harapan ang natunghayan ng TV viewers simula noong Lunes para sa finale week ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” na magwawakas na ngayong gabi (Oktubre 10). Ipinakita na sa Thursday episode ng SBAK na si Muerte, o Carlos Syquia ang mastermind at nagmaniobra ng lahat ng kasamaan sa serye at siya rin ang pumaslang sa Daddy Henry (Chinggoy Alonzo) nina Rose Buenavista (Bea Alonzo) at Violet (Mitchelle Vito) at nagpasabog ng kotse na ikinamatay ng abogadong si Emmanuelle Romero (na ginampanan rin ni Bea). Dahil sa pagtatraidor din ng madrastang si Laura Bayle-Buenavista (Dina Bonnevie) ay tinanggal siya ni Rose sa kom-panya. Nakita naman ang unti-unting pagbabago sa karakter ni Sasha Bayle (Maricar Reyes) na kahit ama niya si Carlos ay hindi niya kinampihan. Tumulong pa siya sa half brother na si Sebastian (Francis Mangundayao) at Leo Romero (Albert Martinez) para iligtas si Violet sa kamay ng mga tauhan ni Carlos. Si Violet ang isa sa naging susi para tuluyan nang makulong si Carlos at pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan at kasamaang ginawa sa pamilya Buenavista at Gaspar. Samantala may halong lungkot naman at kinakabahan ang TV viewers sa ipinakitang teaser ng teleserye nang nag-dialogue si Rose na marami na ang mga nasaktan at taong nadamay kaya’t hindi na sila pwedeng magsama ng mister na si Patrick Salvador (Paulo Avelino) na naging katuwang niya para malutas ang krimen na nangyari sa ama ni Rose at Emmanuelle. Kung mangyayari ito paano na si Patrick at ang anak na si Martina kanino siya mapupunta? Pero syempre umaasa pa rin ang lahat ng happy ending sa mag-asawa. May eksena rin na nag-uusap sina Rose at Sasha. Ano kaya ang kanilang topic? Tungkol ba ito kay Patrick o humingi lang ng tawad si Sasha sa lahat ng mga kasalanang ginawa kay Rose. Huwag bibitaw dahil may malaking rebelasyon rin sa pagitan nina Patrick at Leo. Ano ang koneksyon ng dalawa? Abangan ang kasagutan mamaya pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ay mula sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.” Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobo-can. I’m sure, super taas ng rating nito gyud!

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *