Wednesday , June 24 2026

Nolte Hari sa Malaysia Chess

MANILA, Philippines –Muling pinatunayan ni International Master (IM) Rolando Nolte ang kanyang posisyon na isa sa Philippines’ top chess players matapos magkampeon sa 5th Penang Heritage City International Chess Open 2013 na ginanap sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia Biyernes ng gabi.

Giniba ni Nolte si Malaysian Yeoh Li Tian sa final round tungo sa 7.5 points sa nine outings at pagkopo ng coveted title.

Sa kanyang latest feat ay natamo ni Nolte ang top prize worth 5,000 Malaysian Ringgit.

Samantala  ay tumapos sina IM Andrey Kvon ng Uzbekistan, IM candidate Roel Abelgas ng Philippines at FM Riste Menkinoski ng Macedonia na may tig 7.0 points para magsalo sa second hanggang 4th places.

Nanguna naman si GM Alexander Fominyh ng Russia sa huge group  6.5 pointers na kinabibilangan nina Yeoh Li Tian, FM Nelson “Elo” Mariano III at Ivan Gil Biag ng Philippines, Fong Yit San of Malaysia, FM Deni Sonjaya ng Indonesia, Marcus Chan ng Malaysia at IM Luis Chiong IV ng Philippines.

Sa isang banda, si World Youngest FIDE Master  seven year old Alekhine Nouri ang hari sa Under 8-category na may 5.5 points habang si NM Carlo Magno Rosaupan ng Philippine Army ay solo second place sa Challengers section na may 7.5 points, full point behind kay eventual champion Gelar Sagara ng Indonesia.

Ang Filipino chess campaign sa Malaysia ay suportado ng National Chess Federation of the Philippines, Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.         (M. Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …