Friday , January 28 2022

Alekhine, Shania susulong sa UAE World Youth Chess Championships

ILALARGA ng Pilipinas ang isang all-star line-up sa World Youth Chess Championships 2013 mula Disyembre 17 hanggang 29 sa UAE University sa Al Ain, United Arab Emirates.

Tampok sina World Youngest Fide Master seven year old Alekhine Nouri at Woman Fide Master Shania Mae Mendoza  ang mangunguna sa kampanya ng bansa sa World Chess Federation (FIDE)-sanctioned event.

Si Alekhine, isang grade 1 pupil ng FEU-Fern College sa Quezon City ay sariwa pa sa kampeonato sa Under 8 category sa katatapos na 5th Penang Heritage City International Chess Open 2013 na ginanap sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia nitong Biyernes na ang nagkampeon ay si International Master Rolando Nolte.

Masisilayan din sa World Youth Chess Championships 2013 ay sina veteran campaigners Woman Fide Master Marie Antoinette at Jerlyn Mae San Diego at Michael Concio Jr.

Inimbitahan din ng organizing committee na maglaro  sina International Master Jan Emmanuel Garcia, Woman International Master candidate Janelle Mae Frayna, Fide Master Paulo Bersamina, Candidate Master Daryl Unix Samantila, Woman Fide Master Allaney Jia Doroy, Mary Tan Joy at Yecla Precious Day.

(M. Bernardino)

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …

Leave a Reply