Thursday , June 4 2026

TnT vs RoS

REMATCH ng mga finalists noong nakaraang season ang magaganap sa salpukan ng Talk N Text at Rain Or Shine sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8pm sa Smart Araneta  Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 5:45 pm ay magsasalpukan ang SanMig Coffee at Barako Bull.

Ang apat na koponang ito ay pawang galing sa kabiguan at naghahangad na makabalik sa win column.

Magugunitang noong nakaraang season ay winalis ng Tropang Texters ang Elasto Painters, 4-0  sa Finals ng Philippine Cup.

Ang Talk N Text, na naghahangad ng ikaapat na sunod na Philippine Cup title, ay galing sa 97-95 pagkatalo sa Barangay Ginebra San Miguel dalawang Linggo na ang nakalilipas. Sa gabi ring iyon ay naungusan ng Globalport ang Rain Or Shine, 90-88. Ang Talk N Text ay may 3-2 record samantalang may 4-2 ang Rain Or Shine.

Ang Talk N Text  ay pinamumunuan nina Jayson Castro, Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.

Idinagdag ni coach Norman  Black sa line-up ang mga rookies na sina Eliud Poligrates at Robby Celiz at free agent Danny Seigle.

Ang Rain Or Shine ay sumasandig sa mga Gilas Pilipinas  members na sina Gabe Norwood, Jeff Chan at Beau Belga kasama nina Paul Lee, Ryan Arana at Chris tiu.

May tatlong rookies ang Elasto Painters sa katauhan nina Raymund Almazan, Alex Nuyles at Jeric Teng.

Ang SanMig Coffee, na nagkampeon sa nakaraang  Governors Cup, ay may iisang panalo sa anim na laro.Sa huling laban ng Mixers ay sinayang nila ang 18-puntos na kalamangan sa third quarter at natalo sa Meralco Bolts, 82-74 noong Miyerkoles.

Sa pagbabalik nina James Yap, Petrer June Simon at Joe DeVance buhat sa injury ay umaasa si coach Tim Cone na makakabangon ang Mixers.

Matapos namang magwagi sa unang dalawang laro ay nakalasap ng apat na sunod na kabiguan ang Barako Bull.

Naniniwala si coach Bong Ramos na makakabalik sila sa kanilang winning ways. Siya ay umaasa kina  Willie Miller, Ronjay Buenafe, Mick

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …