Saturday , December 4 2021

Almar Danguilan

Presidente ng PATODA itinumba

dead gun police

PINAGBABARIL hanggang napatay ang presidente ng Payatas Tricycle Operator and Drivers Association (PATODA) habang sakay ng kaniyang minamanehong tricycle ng iding-in-tandemsa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.   Ang biktima ay kinilalang si Rogelio Macapanas, 51, may asawa, tricycle driver, presidente ng PATODA, tubong Eastern Samar at residente sa Daisy St., Barangay Payatas, Quezon City. Siya ay namatay noon din …

Read More »

Quezon province may Sputnik Gamaleya na?

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

HA! Ano!? May bakunang gawa mula Russia ang lalawigan ng Quezon? Paano nangyaring nakabili ng bakunang Sputnik Gamaleya ang provincial government ng Quezon?   Posible nga ba ito – ang nauna pang nakabili ng Sputnik Gamaleya ay isang provincial government kaysa national government?   Ewan ko paano nangyari ito. Pero totoo nga ba ang napaulat?   Ayon sa balita, mayroon …

Read More »

2 katao sugatan, 30 bahay nasunog sa QC

NALAPNOS ang katawan ng dalawang residente matapos tupukin ng apoy ang kabahayan sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Emmanuel Gaba, 39 anyos, may pinsalang first degree burn sa kaliwang braso at magkabilang paa; at Delia Buatro, 61 anyos, nakitang may hiwa sa kaliwang hita. Sa ulat ng Quezon City Bureau …

Read More »

Community pantry ‘wag sanang sandalan ng mga batugan

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

COMMUNITY pantry, isa sa masasabing tipo ng pagtulong sa mga kababayan nating nagugutom o kapos ngayong pandemya dulot ng pag-atake ng coronavirus (CoVid-19). Ang community pantry ay masasabing hango rin sa matagal nang kaugalian ng Pinoy – ang “bayanihan.” Marahil hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang “bayanihan.” Basta in short na lang, pagtulong o pagtutulungan ng lahat para maka-survive. …

Read More »

Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay

PATAY ang isang babae na hinihinalang tumalon sa isang gusali kahapon ng umaga sa lungsod ng Quezon. Base sa ulat, dakong 9:35 am nang matagpuan ang katawan ng hindi kilalang biktima, na nakahandusay sa ika-anim na palapag ng Canopy, South Tower, Zinnia, Barangay Katipunan sa lungsod. Ang gusali ay may taas na 45 palapag. Ayon kay Vincent Boncay, 22 anyos, …

Read More »

Panahon na para ibasura ang senior high!

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

NAPAPANAHON na nga bang ibasura ang pabigat na grade 11 at 12 sa bansa? Ano sa tingin ninyo? Panahon na ba o dapat noon pa? Sinasabi, at kaya ipinagpilitan pa rin ang grade 11 at 12 kahit maraming magulang ang tutol dito, na maaari nang makapasok ng trabaho sa malalaking kompanya/pang-opisina ang nakatapos ng grade 11 at 12. Talaga?! Sinungaling …

Read More »

Lugaw, magsilbing aral sa mga kapitan

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

HINDI na bago ang insidente sa Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan. Tinutukoy natin ang naging trending na lugaw, kung essential ba ito o hindi. Pagkain kaya…ano? Meaning essential po. Ano pa man, humingi na rin si “Manang Lugaw” este ang babaeng volunteer o tanod na humarang kay Kuya Delivery — sa pagkakamaling pagharang at pagpilit na hindi essential …

Read More »

DAR sa mga empleyado: “No swab test, no entry!”

MATAPOS sa 31 staff ang nagpositibo sa CoVid-19, hindi na papayagang makapasok sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang walang swab test sa loob ng 14 araw. Nitong Huwebes, nagpalabas si DAR Director for Administrative Service Cupido Asuncion, ng memorandum para sa mandatory testing ng mga empleyado sa mga opisina ng ahensiya upang matiyak …

Read More »

Aktor Mark Anthony posibleng makalusot sa pagpapabakuna

POSIBLENG makalusot sa anomang kaso ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa kanyang pagpapabakuna kontra CoVid-19 sa Parañaque City. Ito ang inamin ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos konsultahin ang kanilang legal department sa maaaring pananagutan ng aktor. Ayon kay Usec. Epimaco Densing, walang batas ang maaaring gamiting kaso laban kay Fernandez matapos siyang sumi­ngit sa …

Read More »

We’re all IATF co-workers

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

BUWAGIN ang IATF. Palitan ang mga nagpapatakbo ng IATF. Iyan ang panawagan at nais mangyari ng ilang magagaling nating mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Bakit? Kesyo palpak daw. Naging basehan ng kapalpakan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang paglobo ng bilang ng nahawaan ng CoVid-19 na umabot sa mahigit 8,000 sa …

Read More »

Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na

MAHIGIT sa 1,000  health workers ang naghihintay at nakatakdang mabakunahan ng AstraZenica sa pag-arangkada ng Resbakuna sa District 2 ng Quezon City, na nagsimula nitong Lunes Ito’y matapos sumalang sa screening ang health workers ng QC na mahigit 1,000 doses ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) ang kanilang tinanggap. Ayon kay Dra. Lanie Buendia, OIC Health Officer ng …

Read More »

2 weeks lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng judges

HINILING sa Court Administrator ng Supreme Court (SC) ng mga huwes sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice. Sa pangunguna ng Executive Judge ng QC, ipinaabot ni Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Maidas Marquez na dapat isara ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases. …

Read More »

Truck Helper patay sa steelbars na humulagpos sa backhoe

PATAY ang 42-anyos truck helper, nang mabagsakan ng kumalas na steelbar sa backhoe, sa isang construction site sa Barangay Old Balara, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Jojit Canale Cabulit, 42, may asawa, helper ng Golden Express at residente sa Bldg, 8 Unit 501, Manggahan Residence, Barangay Sta. Lucia, Pasig City. Agad pinigil si Ricardo …

Read More »

HVI, arestado sa P.5M-shabu (Sa Quezon City)

shabu drug arrest

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na high value individual (HVI) ng mga awtoridad  matapos makompiskahan ng shabu sa buy bust operation sa Brgy. Talipapa, Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang suspek na si Marvin Sigua, 45, ng 8D, 2B, Don Segundo St., San Agustin Village, Brgy. Talipapa. Sa …

Read More »

DILG-Napolcom Center sa QC, 3 araw lockdown

TATLONG araw isina­ilalim sa lockdown ang central office ng National Police Commission (Napolcom) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City nang magpositibo sa CoVid-19 ang ilang kawni ng ahensiya. Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Vitaliano Aguirre II, ang lockdown ay sinimulan nitong Miyerkoles, 17 Marso, at magtatagal hanggang sa Biyernes, 19 Marso. …

Read More »

819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC

SA UNANG ARAW ng pagpapatupad ng curfew hours, umabot sa 819 katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa  ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, at Task Force Disiplina sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Ang mga inaresto ay dinala sa kanilang mga barangay at inisyuhan ng …

Read More »

Public safety hours ipatutupad sa QC

Quezon City QC Joy Belmonte

MAHIGPIT ang kautusan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipatupad ang public safety hours sa lungsod. Ang public safety hours, mula 10:00 pm hanggang 5:00 am, ay sisimulang ipatupad ngayong 15 Marso 2021 sa Metro Manila, alinsunod sa napag­kasunduan na unified curfew hours ng Metro Manila Council (MMC). Kaugnay nito, mahigpit na ipatutupad sa lungsod mula 15-31 Marso 2021, …

Read More »

LGUs kapag dedma sa IATF reso, kakastigohin

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kakastigohin ang mga pasaway na Local Government Units (LGUs) na hanggang ngayon ay hindi tuma­talima sa ipinatutupad na resolusyon ng Inter-Agency Task Force on CoVid-19. Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, maglalabas ang ahensiya ng isang memorandum circular na nagmamandato sa LGUs na sumunod sa uniform travel …

Read More »

Riding in tandem tiklo sa checkpoint

Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang riding in tandem sa checkpoint kamakalawa ng hatinggabi sa lungsod. Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin ang nadakip na sina Victor Alferez, 20 anyos, drayber ng motorsiklo, residente ng No. 52 Mangga St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City, angkas na si Hammad Khaled Husni Hammad, 33, nakatira sa …

Read More »

Let’s wait for our turn…

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

NASA bansa na ang bakuna “Coronavac” na gawa ng Sinovac. Donasyon ito ng gobyernong Tsina. Dumating ang bakuna dalawang linggo bago ang unang taon ng pagdedeklara ng lockdown ng gobyernong Filipino sa bansa. Matatandaan noong 15 Marso 2020 nang ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus na sinasabing originated sa bansang Tsina noong Disyembre 2019. Ano pa man, …

Read More »

Sumunod sa protocols para ‘di bumalik sa ECQ

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

NAKABABAHALA ang pag-arangkadang muli ng CoVid-19 sa bansa, lalo sa Metro Manila. Umaabot na sa 3,000 kada araw ang virus infected. Para bang bumalik sa umpisa – Marso 2000 noong unang implementasyon ng lockdown sa buong bansa. Sumisikip na rin ang maraming pagamutan sa Metro Manila dahil sa paglobo ng mga pasyenteng impektado ng nakamamatay na ‘veerus.’ Para bang nag-uumpisa …

Read More »

No plastic bag sa QC simula na

SIMULA ngayong Marso 1, bawal na ang plastik sa QC sa pagsisimula ng ipatutupad na plastic bag ban, personal na nama­hagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga bayong at ecobag sa mga mamimili sa Galas, Muñoz, Suki, A. Bonifacio, Frisco at Kamuning markets sa lungsod. Si Belmonte kasama si Environmental Protection and Waste Management Department head Andrea Villaroman …

Read More »