Thursday , March 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Francis, Kapamilya star pa rin

NANANATILING Kapamilya star si Francis Magundayao kahit part siya ng cast ng programang Parang Normal Activity na ipinalalabas sa TV5.

Alam naman daw ng Star Magic ang tungkol dito at since wala naman daw regular show ang young actor sa Dos ay tinanggap nila ito pati na ang indie movie na kasalukuyan niyang ginagawa entitled Pagkatapos Ng Umaga, sa direksiyon ni GM Aposaga at pinagbibidahan ng bagong child star na si AJ Ocampo.

Kasama rin dito sina Irma Adlawan, Dianne Medina, Jeff Gaitan, Maria Isabel Lopez, Kyline Alcantara, Jong Cuenco, at Princess Flores.

Nang tanungin namin si Francis kung kumusta na sila ng young actress na si Elisse Joson na napabalitang naging girlfriend niya, mabilis niyang itinangging naging sila at hanggang ngayon ay friends pa rin naman daw sila.

Hindi naman niya itinago ang pagka-crush sa dating leading-lady sa pelikulang Ewan Ko Sa’Yo, Saranghaeyo na si Barbie Forteza.

YUN NA – Mildred Bacud

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mildred Bacud

Check Also

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …

 Rodjun Cruz at pinsang si Maxine Medina, ang DM Studios

Dianne Medina childhood dream maging CEO

ni MARICRIS VALDEZ MAKATULONG sa mga kapwa artista, influencer. Ito ang unang layunin ni Dianne Medina kaya …

PBB Inigo Jose Carmelle Collado Eliza Borromeo Fred Moser Rave Victoria Reich Alim

Rave wish maging leading man, Inigo at Fred RomCom gustong i-explore

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng mahigit dalawang dekada, nagsilbing daan para mapansin ang …