Friday , May 3 2024

Jasmine, kinalimutan na si Sam dahil kay Jeff

WALANG maniniwalang wala pang boyfriend si  Jasmine Curtis Smith after na maghiwalay sila ni Sam Concepction.

Ang rumored boyfriend na si Jeff Ortega ang kasama ni Jasmine last Holy Week. Nagpunta ang dalaga sa bahay nila sa Angeles, Pampanga kasama ang pamilya nito to observe the Lenten season.

Nag-post si Jasmine ng photos sa kanyang Instagram account, ‘yung isa ay nagpakitang naglalaro sila ng unggoy-ungguyan. ‘Yung isa naman ay parang nakayakap si Jasmine kay Jeff habang nakasuot ng black swimsuit na may caption na ganito, ”So much to be thankful for this Holy Week. Never underestimate the power of prayer. Always put God first and the rest will follow!”

At dahil sa photo na ‘yon ay marami tuloy ang naniwalang magdyowa na ang dalawa, na pinalitan na ni Jasmine si Sam sa puso niya.

Obvious na obvious sa photo na magdyowa na sila, ‘no! Masyadong cozy na sila sa isa’t isa at may pagka-clingy pala itong si Jasmine.

“Parang never kong nakitang nag-post si Jasmine kasama si Sam and her family,”reaksiyon ng isang fan sa photo nina Jeff at Jasmine.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *