Alden, nagmumura ang eyebags, haggard pa ang hitsura

PAGOD na pagod ang hitsura ni Alden Richards noong mapanood namin saSunday Pinasaya. May mga close up pa siya kaya kitang-kita na hindi siya nag-ahit at nagmumura rin ang eyebags. Haggard talaga.

Sana magpahinga naman ang Pambansang Bae. Kahit Holy Week kasi ay nagtrabaho pa rin siya at nag-show sa Canada.

Sana ay maging aware rin siya na dapat ay makita siya ng publiko na fresh.

TALBOG – Roldan Castro