Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UP QRS/JAM vs Tanduay

TAGLAY ang twice-to-beat advantage, sisikapin ng Cafe France at UP QRS/JAM Liner na idispatsa kaagad ang magkahiwalay na kalaban sa simula ng quarterfinal round ng  PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Makakatagpo ng Bakers ang Wang’s Basketball sa ganap na 2 pm at susundan ito ng salpukan ng Fighting Maroons at Tanduay Light sa ganap na 4 pm.

Nakatabla ng Cafe France ang Caida Tiles sa record na 7-1 sa pagtatapos ng elims subalit nakuha nito ang No. 1 spot. Tabla rin ang UP QRS/JAM Liner at Tanduay Light sa kartang 5-3 subalit nakamit ng Fighting Maroons ang ikaaapat na puwesto dahil tinalo nila ang Rhum Masters, 102-86 noong Enero 26.

Kung mananalo ang Cafe France at UP QRS/JAM Liner  ay didiretso na sila sa best-of-three semifinals kung saan silang dalawa rin ang magkikita.

Kailangan ng Wang’s Basketball at Tanduay Light na magwagi nang dalawang beses kontra sa kanilang katunggalii upang makarating sa semis.

Lubhang pinapaboran ang Bakers dahil sa inilampaso nila ang Couriers, 106-73 noong Pebrero 16.

Ang bakers na nangangarap na mapanalunan ang ikalawang sunod na kampeonato matapos na maghari sa nakaraang Foundation Cup, ay pinangungunahan ng sentrong si Rodrigue Ebondo.

Ang iba pang inaasahan ni coach Edgar Macaraya ay sina Bryan Cruz, Jess Mar Villahermosa, Jamison Cortes Paul Zamar at Sambiy de Leon.

Minsan lang nanalo sa walong laro sa elims ang Wang’s Basketball kung kaya’t hindi ito gaanong binibigyan ng tsansa kontra Cafe France.

Matapos na matalo sa unang dalawang games sa elims ay nagposte ng limang sunod na panalo ang Tanduay Light subalit natalo sa huling  game kontra Phoenix at nabigong makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …