A Dyok A Day: Graduate na

Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang umuwi ang anak sa kanilang probinsiya.

Anak –   Itay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-aaral.

Itay –   Magaling anak! Ano bang tinapos mo?

Anak –   AB, Itay.

Itay –   AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang, tapos ko ang ABC hanggang XYZ!

Mana sa Ama

Tatay –   Musta exams n’yo sa eskuwela, mga anak?

Anak –   Mabuti po. Nakakuha kami ni Dina ng 100%.

Tatay –   Magaling! Nagmana kayo sa talino ko.

Anak –   60% po ‘yung sa akin at 40% ‘yung kay Kuya. (Ngeek!)