MALUNGKOT ang Lunes sa industriya ng pelikula at telebisyon dahil pumanaw na ang Box Office director na si Wenn V. Deramas sa edad na 47.
Ayon sa balita, nagpunta raw ito sa kanyang kapatid na nasa Capitol Medical Center bandang 2:00 a.m. na isinugod din sa hospital. At doon siya nagka-heart attack.
Huling naipalabas na pelikula ni Direk Wenn ay ang top grosser sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty and the Bestie. Kilala rin si Direk Wenn sa mga idinerehe niya gaya ng FlordeLiza, Marina, Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan atbp..
“Isang napakalungkot na araw. Sagad hanggang buto ang lungkot. Paalam Direk Wenn. Mahal na mahal kita,” mababasa kay Vice Ganda sa Twitter.
“Saddening news that breaks my heart.Paalam Nay, I miss you and love you so much Direk Wenn,” tweet naman ni Anne Curtis.
Maraming taga-industriya ang nagluluksa at nakikiramay sa social media dahil sa biglaang pagkamatay ni Direk Wenn gaya nina Luis Manzano, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Atak Arana, Richard Yap, Camille Prats,Maxene Magalona, Jugs Jugueta, Kean Cipriano, Dimples Romana, Marvin Agustin, Nadine Lustre, Nikki Valdez, Jolina Magdangal atbp..
Ibuburol siya sa Arlington Memorial Chapels.
TALBOG – Roldan Castro