Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot patay, 1 sugatan sa ambush  

PATAY ang 32-anyos lalaki habang sugatan ang kanyang kasama nang pagbabariilin ng hindi nakilalang armadong mga suspek sa gitna ng masayang kuwentohan ng magkaibigan sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Michael Laureta, ng 248 Apag St., Wildcat, Brgy. Ususan ng lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kasama niyang si Micael Escobido, 28, ng 319 Guave St., ng nabanggit na barangay.

Ayon sa pulisya, dakong 12 a.m. nang paulanan ng bala ng armadong mga suspek ang dalawang biktima habang nagkukuwentohan sa C-5 Service Road Southbound, Wildcat, Brgy. Pinagsama.

Agad tumakas ang mga suspek makaraan isagawa ang pamamamaril habang dinala ng ilang concerned citizen ang mga biktima sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga awtortidad ang posibleng motibo sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …