Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden at Maine, hinahanap sa APEC Summit

112015 aldub
INAASAR sa social media ang AlDub fans. Ang tanong kasi ng marami, bakit wala raw sa APEC Summit 2015 ang idols nilang sina Alden Richards andMaine Mendoza when they claim na sila ang  pinakasikat na tambalan ngayon.

Bakit nga ba? Wala ba silang talent na maipakikita at hindi ba sila maihahanay sa talented Kapamilya stars na nagpakinang sa katatapos na APEC Summit tulad nina Arnel Pineda, El Gamma Penumbra, Apl.de.Ap, Jed Madela, Martin Nievera, Jessica Sanchez, Charice, at Darren Espanto?

“Nasaan yung sikat na loveteam nila????? Akala ko ba sikat ??? Bakit wala???? Haha. Peace. Nagtatanong lang,” pang-aasar ng isang fan.

“Uu nga bakit walang Aldubs?” say naman ng isa pa.

“Kakatawa nga eh na invite daw sila sa Ellen DeGeneres Show sa USA. Antagal naman mag guest, ani gagawin ni Alden dun? Kakanta ng God Gave Me You tapos pipiyok? O kaya magdubsmash sila ni Yaya gamit ang song ng Jadine? Anong world class talent dun? Nakakatawa. Ok sa 40M tweet pinagmamalaki. Ilan ang populasyon sa Phils? Isama na ung mga OFW sa ibang bansa. Ilan ang mayrong android or computer man lang. Sa tingin nyo ba 40 million people translates to 40million tweets? Mag isip isip din minsan. Hwag magmayabang pag walang hawak na facts. Sasabihin mong yung 3 loveteams tinalo ng Aldub, saan? Dun sa ilang minutong kanta nila nung araw na yon? Magmayabang pag nagka telenovela at pelikula na yang mga talent nyo na lalaban sa mga loveteam na sinasabi mo. 3 months daw tinalo ng how many years na naging loveteam. Try nyo kayang mawala yung 3 lola sa show at tingnan natin ang staying power nung dalawang talent nyo. Ang ganda ganda daw ni yaya dub. Oh my geeh, nakakahiya naman ke Angel Locsin or kristine hermosa kung yun na ang pinakamaganda sa inyo. Eto ang fact, did u know that Daniel Padilla is one of the highest paid young actor today? Millions.ang kanyang TF ngaun. Ilan nang house pinagawa nya. Another one, ABS CBN is set to open a mala hollywood style na Soundstage sa Bulacan. 15 hectares yon. Its a billion peso project set to aim na mabigyan ng world class entertainment ng filipino. Pag nag ok na ang NTC mag ro rollout na rin ang ABS for fully digital programming na matagal na nilang ginagawa. Mag oopen pa sila ng i think 5 channels. Yan ang fact, hindi hearsay,” mahabang litany naman ng isa pa.

Bakit wala sina Alden at Maine sa APEC? It is because they don’t count. Wala silang maipakikitang talento sa pagkanta or even sa pagsayaw. It’s that simple.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …