FRIEND zone lang ang turing ni Alex Gonzaga kay Arjo Atayde na minsa’y nanligaw sa kanya.
Sa presscon ng Dance Kids na nagsimula na noong Sabado, sinabi ni Alex na hindi nabigyan ng chance na mag-grow ang friendship nila. Nanghihinayang din siya sa friendship na na-take risk. ‘Pag nagkarelasyon kasi at nag-away posibleng mawala lahat. Ayaw daw niyang pilitin ‘yung mayroon siyang duda. O hindi sure sa isang bagay.
“Si Arjo gusto ko talagang kaibigan pero siguro, hindi talaga nag-flourish na more than friendship,” deklara niya.
Masuwerte raw ang magiging girlfriend ni Arjo.
Speaking of Dance Kids, makakasama ni Alex bilang host siRobi Domingo.
Sa programa, magpapabilib sa sayawan ang iba’t ibang solo, duo, at group dance artists mula apat hanggang 12 taong gulang. Sasabak sa ‘tryouts’ ang 60 acts na hahatiin sa dalawang teams sa ilalim ng dalawang dance celebrities.
Sa ‘tryouts,’ sasalain sila ng Dance Masters na sinaGeorcelle Dapat-Sy, Andy Alviz, at Vhong Navarro na mga pinakarespetadong pangalan sa pagsayaw sa Philippine entertainment. Para makalusot dito, kailangang mapa-”stomp” nila ang tatlong Dance Masters.
Kilalanin ang mga batang mapapa-stomp ni Teacher Georcelle, na 14 years old pa lang nang unang sumayaw sa TV, at kinalalunan ay naging miyembro ng dance group na Hotlegs. Noong 2004, itinatag niya ang ngayong hinahangaang grupong G-Force na nagpe-perform kasama ang pinakamalalaking celebrities sa industriya. Ngayon, napapanood din si Teacher Georcelle bilang dance mentor sa musical competition na Your Face Sounds Familiar.
Sasamahan si Teacher Georcelle ni Andy Alviz, isang batikang choreographer, artistic director, at musikero. Naging resident choreographer si Andy para sa mga lokal na produksiyon ng musicals na Miss Saigon sa Asya at sa Kapamilya shows gaya ng ’Sang Linggo nAPO Sila atASAP. Siya rin ang nagtayo ng Whiplash DanceCompany, ang isa sa mga pinakakilalang jazz dance groups sa bansa, at naging kilala sa pagdirehe at pagprodus ng mga musical at albums na itinataguyod ang kultura ng Pampanga na roon siya nagmula.
Bago naman maging isang aktor, komedyante, at host, gumawa muna ng pangalan si Vhong bilang isang dancer kasama ang grupong Streetboys. Maituturing niyang first love ang pagsasayaw, kaya naman malaki raw ang utang na loob dito dahil ito ang nagpasok sa kanya sa showbiz. At sa Dance Kids, excited siyang magbahagi ng kanyang kaalaman at experience sa pagsasayaw.
Samantala, kapag hindi naman pumasa ang isang act sa tatlong Dance Masters, kailangang kumbinsihing muli nito ang isa o dalawang Dance Master para makapagbigay sila ng unanimous na desisyon. Sa pagtatapos ng ‘tryouts,’ tanging 16 acts kada team na lang ang matitira.
Muling malalagasan ang natitirang 32 acts kapag sumalang sila sa ‘dance offs,’ na pagbabanggain ang dalawang acts mula sa magkalabang team.
Mula sa 32 na ito kukunin ang Top 16 acts na magpapakitang gilas at patutunayan ang kanilang galing, potential, at versatility sa pamamagitan ng thematic solo performances.
Matapos ang ilang linggo, ang tanging matitira ay ang Final 4 na siya namang magtutunggali sa grand finals. Ang mga ito naman ang maglalaban-laban para sa mga boto ng publiko at ang mananalo ang siyang tatanghaling kauna-unahang Dance Kids grand champion.
Sino-sinong bata ang aangkin ng dance floor?
Napapanood ang Dance Kids tuwing Sabado, 6:15 p.m.attuwing Linggo, 6:00 p.m. sa ABS-CBN 2.
TALBOG – Roldan Castro