Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lapid pasok sa magic 12 (Base sa RMN survey)

PASOK at bumulusok na sa magic 12 senators si senatorial candidate Mark Lapid batay sa RMN 2016 election survey.

Halos naungusan pa ni Lapid na makapasok sa magic 12 ang re-electionist senators at senatorial candidates na sunod-sunod na ang political at campaign ads sa mga radio at telebisyon at maging sa social media.

Dahil dito, ganoon na lamang ang lubos na pasasalamat ni Lapid sa tiwala at suportang ipinagkakaloob sa kanya ng publiko.

Batay sa survey, si Lapid ay nakakuha ng 21.76 percent sa Calabarzon, 26.90 percent naman sa Central Luzon, 20.15 sa NCR at sa kabuuang siya ay may total na 22.73 percent.

Magugunitang bago pa man ang lumabas na survey ng RMN, si Lapid ay nasa ika-15 puwesto sa ilang mga survey at halos tatlong bilang o numero ang kanyang tinalon para makapasok sa magic 12.

Ang survey ay ginawa noong Oktubre 25 hanggang Nobyembre 25 nitong nakaraang buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

San Rafael, Bulacan

Senior citizen na MWP,  2 pa nasakote sa Bulacan

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa municipal level kabilang ang isang senior citizen ang magkakasunod …

Bulacan spay castration Rabies Awareness Month

Bulacan PVO, pinangunahan ang nationwide spay at castration project ngayong Rabies Awareness Month

SA PAGDIRIWANG ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa …

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …