Thursday , June 4 2026

BOC-Auction nakatutulong sa smugglers?

00 pitik tisoyCONGRATULATIONS sa auction chief ng MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT (MICP) na si Jerry Macatangay dahil sa mga seized smuggled goods gaya ng imported RICE and SUGAR na malaki ang naitulong sa revenue collection ng MICP.

Pero hanggang ngayon, hindi pa ‘ata ma-realize ng BoC na ito ang sistema na ginagmit ng smugglers ngayon upang makuha ang kanilang mga kontrabando.

Ang modus kasi ng mga smugglers, ipinapahuli o inaabandona ang kanilang kargamento gamit ang mga fictitious consignees to avoid apprehension.

At habang naghihintay na mailagay ang mga kargamento for auction proceedings ay dito na sila gumagamit ng mga kilalang legitimate customs bidders to do the job. Kapag nanalo, the smugglers can now put on sale the rice and sugar na legal na legal sa merkado.

Kaawa-awa naman ang mga magsasaka natin na buong akala nila natutulungan sila ng  ating gobyerno against the rice and sugar smuggling sa ating bansa.

 Nakatitiyak po tayo na alam ng karamihan sa customs ang sistemang ito Kaya lang they have no choice dahil hindi naman mailalagay for destruction ang mga nahuling bigas at asukal.

Hindi ba dapat magbigay ng konting contribution ang BoC sa kinita na auction sa mga magsasaka upang makatulong sa kanilang  mga pananim na sinasabing nalugi because of rice and sugar smuggling?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …