FEELING sikat pala itong si Paulo Avelino.
Isang friend namin ang nagtsikang feeling superstar na raw itong si Paulo nang dumating sa airport. Malayo pa lang kasi siya sa check-in ay talagang nag-hood na siya at nag-shades para hindi makilala. Ang feeling niya ay pagkakaguluhan siya sa airport.
Mayroong mga staff na gustong magpa-picture sa kanya pero na-turn off sila sa inasal ng binata na ang feeling yata ay super sikat na siya.
Naku, Paulo, kailan ka ba magbabago?
UNCUT – Alex Brosas