PANSININ ang role ni Arron Villaflor sa All of Me na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Yen Santos. Maganda ang feedback sa serye.
Magtatagal pa ang All Of Me dahil mataas ang ratings.
Bagamat may mga intriga sa kanila ni JM sa set ay maayos naman ang sitwasyon nila.
“We’re trying our best to understand everything with JM,” deklara niya.
Naiintindihan daw nila ang bigat na pinagdaraanan ni JM.
“I don’t want to get into his problems kasi that’s his personal life eh. I want to help but I guess right now he want to fix it for himself,” sey pa niya sa isang panayam.
Anyway, bukod sa All of Me, may reunion movie sila ng award winning director na siJason Paul Laxamana, ang Nuclear Family na bisexual ang role niya. Kasama sa movie sina Snooky Serna at Rodjun Cruz.
TALBOG – Roldan Castro