Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, way ni Claudine para gumanda muli ang career

102215 piolo pascual claudine barretto
FEELING namin tuluyang makababalik si Claudine Barretto ‘pag natuloy ang project nila ni Piolo Pascual.

Sa totoo lang, sa Etiquette for Mistresses ay acting ni Claudine ang lumutang. Siya talaga ang pinakamagaling sa peliikulang ‘yun at tinalbugan sina Kris Aquino, Kim Chiu etc. kaya dapat lang na masundan ito.

May chemistry naman sina Papa P at Claudine at sabik na rin ang mga moviegoer sa kanila after ng pelikula nilang Milan noong 2004. At feeling namin mas patok pa ‘yan kung sasamahan ‘yan ng KathNiel, JaDine o LizQuen.

Hindi naman importante ‘yung sinasabi nila na si Piolo ang magdadala ng pelikula sa balik-tambalan nila ni Claudine. Mas masaya nga ‘yung makatulong si Papa P na tuluyang makabalik ang isang magaling na artista gaya ni Claudine.

Sey nga ni Piolo sa isang panayam, kung gagawin nila ang pelikula ay dahil para sa kanilang dalawa ‘yun. Naniniwala siya na ”Clau is Clau” kahit anuman ang nangyari sa kanya.

Aminado rin si Piolo na ilang beses din siyang tinulungan at dinala ni Claudine noong nagsisimula ito.

Lagi raw nariyan si Claudine at isang tunay na kaibigan. Ayaw niyang isipin na siya ang magdadala. Ayaw niyang maramdaman ni Claudine na kailangan siya o kailangan nila ang isa’t isa kundi nababagay talaga ang proyekto para sa kanila.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …