Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 dalagita sex slave ng ama

MAHIGIT tatlong taon itinago ng isang 18-anyos dalagita ang pagiging sex slave sa kanyang sariling ama ngunit hindi na kinaya nang mabatid na maging ang kanyang 12-anyos kapatid na babae ay pinagsasamantalahan din ng suspek sa kanilang bahay sa Malabon City.

Arestado ang suspek na si Bernal Mendoza, 45-anyos, vendor ng 103 Atis Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong two counts ng rape, nakapiit na sa detention cell ng Malabon Police.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang magkapatid na biktima kasama ang kanilang tiyahin upang pormal na sampahan ng kaso ang kanilang ama.

Batay sa nakalap na ulat mula sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPSD), naaresto ang suspek dakong 1 a.m. kahapon makaraan isuplong ng kanyang mga anak.

Salaysay ng 12-anyos biktima, mula noong Hulyo 25 hanggang ngayong buwan ay paulit-ulit siyang pinagparausan ng suspek.

Nang mabatd ito ng kanyang 18-anyos ate ay napilitan na rin magtapat na simula noong Disyembre, 10, 2012 pa siya ginagawan ng kahalayan ng ama.

Magmula aniya noon ay halos gabi-gabi na siyang pinagsasamantalahan ng ama ngunit hindi makapalag dahil sa labis na takot at kahihiyan.

Nang magsumbong sa kanya nitong nakaraang gabi ang nakababatang kapatid ay saka lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong sa kanilang kuya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …