Wednesday , May 1 2024

Coco, madalas maligo sa ilog nang hubo’t hubad

082915 coco martin
GRABE ang preparasyon ni Coco Martin sa bago niyang serye sa ABS-CBN 2 na Ang Probinsyano.

Gaano kahirap ‘yung  training na ginawa bilang pulis ang role?

“Actually lahat naman mahirap. Sabi ko nga, before kami nag-taping sa PNPA ,nagkaroon kami ng one week  talaga. Lahat ng  training na ginagawa ng mga police, para during sa shooting mismo, mabilis na kami… ‘yung pagmartsa namin,  pagkilos namin. Kumbaga, ibang-iba talaga, hindi ‘yung parang nag-a-adjust kami ‘pag nagsu-shooting, mahahalata kasi kung ibang-iba ‘yung galaw ng pulis sa normal na tao. Nagpi-prepare talaga kami. Nagti-training lahat  para maintindihan namin at para hindi na nagkakamali sa actual shooting,” deklara niya.

One week daw nila pinaglaanan ang shooting.

“Sabi nga namin, puwede na kaming maging pulis,” natatawa niyang pahayag.

“Nandito na kami, gusto na naming panindigan at gusto na naming gawing makatotohanan ang mapapanood ng tao,” dagdag pa niya.

Mahabang proseso kung magpapapayat pa siya at magda-diet para sabayan pa ‘yung tamang timbang ng isang pulis. Kung sasabayan niya ng workout baka maapektuhan ang health niya dahil araw-araw siyang nagtatrabaho. Pero okey pa naman daw ‘yung  katawan niya.

“Katawang pangminamahal,” bulalas niya sabay tawa.

Sa totoong buhay ba marunong siyang humawak ng baril? Magaling ba siyang magpaputok ng baril?

“Actually, mahilig talaga ako sa baril,” aniya.

Kailan siya nahilig magbaril-barilan?

“Matagal na po. ‘Di ba nag-training na rin ako ng basic sa ‘Tayong Dalawa’? Ngayon bihasa na ako sa paghawak at pagpapaputok ng baril,” sey pa niya na nagtawanan dahil binibigyan ng ibang meaning ang  salitang ‘putok’.

Dati bang probinsiyano si Coco?

“May probinsiya po ako sa Pampanga pero hindi na po ako roon lumaki kasi rito na ako lumaki sa Novaliches. Pero rati po, noong bata pa ako at everytime na  nag-aaway ang parents ko, roon kami tumatakbo para maglayas,” aniya.

Sa San Fernando raw siya at saka Arayat.

“Talagang probinsiya siya, palayan talaga siya. Naglalaro sa palayan, naliligo sa ilog,”aniya.

‘Di ba hubo’t hubad ‘yun dahil mga bata pa?

“Siyempre po,” tugon niya kaya nagtawanan ulit.

Sa training ba nila, hindi sila naligo ng sabay-sabay?

“Honestly, dapat mayroon. Kaso siyempre, iniingatan po natin ‘yung.. ikinu-consider natin ‘yung mga batang manonood kaya tinanggal po namin,” aniya.

Aminado si Coco na probinsiyano siya at heart.

“Lumaki kasi ako sa lola. ‘Yung mga natutuhan ko habang lumalaki, naa-adopt ko. Minsan sa pagsalita ko masyado akong malalim mag-Tagalog, ‘wag lang English,” sambit pa niya.

Tinanong din si Coco kung nagkita sila ni Fernando Poe Jr. noong buhay pa ito?

“’Yung nga po, hindi eh,” tugon niya. ”Nanghihinayang ako na hindi kami nag-abot. Sana naabutan ko siya at nagkausap kami. Sabi ko nga, napakarami ko sigurong natutuhan sa kanya, hindi lang sa trabaho kundi pagdating din sa buhay. Kumbaga, alam ko na marami akong matututuhan sa kanya,”  bulalas pa ng Kapamilya Primetime King.

Sey pa niya, first shooting day niya ng unang title role na  Masahista nang namatay si FPJ. Natutuwa raw si Ms. Susan Roces at si Senator Grace Poe na binigyang halaga at binigyang buhay ang dating pelikula ni FPJ.

Masuwerte si Coco na siya ang unang gumanap na Ang Probinsyano samantalang ‘yung iba ay puro sa Panday.

“Sobrang saya ko dahil bukod sa pinayagan kami ni Tita Susan na gawin itong ‘Probinsyano’, siyempre po ‘yung makapag-tribute ka sa mga pulisya. Kumbaga, maibalik ang tiwala sa mga pulis. Hindi naman po lahat talaga. May mga taong nagkakamali  pero marami ring pulis na matitino,” pahayag  pa niya.

PERSONAL CHOICE SI MAJA BILANG LEADING LADY

081915 Coco Maja

Personal choice ba niya si Maja Salvador bilang leading lady?

“Ay, nagkataon po kasi talalaga na ang original ..kasama ko po rito sina Bela (Padilla) at Angeline (Quinto), nagkaproblema po kami kay Angeline dahil sa schedule po dahil iere na kami by September. Ang dami pong sked ni Angeline kaya napilitan po kaming magpalit, sakto namang patapos ang serye ni Maja. Nagkataon na nag-swak ‘yung schedule niya po,” sey pa ni Coco.

JULIA, BINIGYAN NG BAHAY AT LUPA

031215 julia coco

Ano naman ang reaksiyon niya na may kakambal siya sa Ang Probinsyano, ang rumored girlfriend niya na si Julia Montes ay may kakambal din sa Doble Kara? Ano ang reaksiyon niya?

“Sakto naman,” sabay tawa niya. ”Nagkataon lamang po. Malamang magliligawan ‘yun,”  pagbibiro niya.

Pinandigan niya na wala pa ring ligawang nangyayari sa kanila. At sey niya, wala pa ‘yung bahay at lupa  na itsinitsismis na bigay niya kay Julia. Balita kasi na nagpapagawa umano si Julia ng bahay sa mismong subdivision na nakatira si Coco.

“Nahihiya ako para sa kanya dahil may lumalabas na ganoong issue. Siguro kung may ibibigay man ako hindi bahay siguro wisdom,” sambit pa niya.

Anyway, ang bumubuo sa powerhouse cast ng Ang Probinsyano ay sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, atSusan Roces. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *