Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis at Jen, magbarkada lang daw

062415 Jennylyn Mercado Dennis Trillo
MAS vocal at masarap kausap si Dennis Trillo kaysa kayJennylyn Mercado ‘pag tungkol sa status ng relasyon nila ang pag-uusapan. Katwiran naman ni Jennylyn, mas okey na ‘yung lalaki ang nagsasalita.

“Kung ano man ang sinasabi ni Dennis… ‘wag kayong maniwala roon,” sabay halakhak niya.

“Hindi kasi ‘yun ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kumbaga… masaya naman po. Wala namang dapat ikalungkot, eh lalo na’t masaya ‘yung  takbo ng career namin,” sambit pa ni Jennylyn.

Ano ang reaksiyon niya na puwedeng sabihin ni Dennis na love is lovelier for the second time around?

“Ano ba? Wala.ha!ha!ha! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” sey niya.

Naniniwala ba siya na mas lovelier sa pangalawang pagkakataon?

“Depende eh. Para sa akin  kasi, hindi oo, eh. Parang nandoon ako sa gitna. Depende roon sa klase ng kung gaano katindi ‘yung pagmamahal.. kung ano ‘yung mga pinagdaanan niyo, kung willing ba kayong dalawa na ayusin.”

Kayo na ba?

“Hindi… Totoo. Ano ko siya barkada,”  tumatawa niyang pahayag.

“Siguro, binubuo lang namin kung ano ‘yung mga dapat buuin. Pero wala akong oras na magbuo. Sa ngayon, ‘yun lang muna. Ayusin ko na lang sa susunod kung may time talaga,” deklara niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …