Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobs ni Dawn, dinakma ni Goma

073015 richard dawn
TAGLAY pa rin ni Richard Gomez ang kakisigan kaya naman kahit si Bea Alonzo ay puwede pa ring i-partner sa kanya bukod kay Dawn Zulueta sa The Love Affair na showing sa August 12. Nag-enjoy tuloy siya sa shooting ng naturang pelikula.

“Kaya lagi akong masaya ‘pag dumarating ako ng set kasi ‘pag wala ‘yung magandang Dawn Zulueta nandoon naman ‘yung magandang Bea Alonzo. And then as an actor it inspires us. Ang sarap niya katrabaho ‘yung hindi lang magaganda, ang gagaling pang artista.

“Actually nag-enjoy ako working with Bea. She’s a very fine actress and ang ganda ng maturity niya. Ang sarap niyang katrabaho sa mga eksena na ginagawa namin and hindi nakaka-conscious  na katrabaho siya.

“At bilang isang artista hindi mo dapat iisipan na naging Best Actor na ako. Dapat every time you come to the set dapat iniiwan mo sa bahay ‘yung mga trophy na ‘yun, ‘yung mga pinanalo mo. You should always come parang fresh start palagi sa isang project o pelikula,”  bulalas ni Goma sa  presscon ng The Love Affair.

Bagamat dalawang beses naaksidente si Bea sa sailing scene ng nasabing  pelikula  (una tumama ‘yung katawan sa bakal kaya nagkaroon siya  ng maraming pasa. At sa  sunod nag-capsize tapos ‘yung ulo  naman ang tinamaan). Naging suki tuloy siya ng  ER pero natuto siya.

“Magaling talaga siya. She trained lots of times. Ilang days ‘yun, over 10 training days so that’s more than enough to learning to get good on it. Tapos puro lang practice and practice during the shoots. Kaya nga there was a time sabi ko, ‘Bea ikaw na muna magpatakbo, matutulog lang muna ako,’” kuwento ni Richard.

Gentle naman ang love scene nila ni Bea kompara kay Dawn na may eksena sila na hinawakan ni Richard  ang boobs ni Dawn habang nagtatalo.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …