Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan at Oyo, ‘di komporme sa same sex marriage

 

UNCUT – Alex Brosas . 

DAHIL sa kanyang pagpabor sa same-sex marriage ay left and right na batikos ang inabot ni Angel Locsin.

Kung ano-ano ang ibinato sa kanyang pananaray but she kept her cool and explained her side.

“Kung magiging insensitive, rude, and self righteous ho tayo, ‘wag na ho natin idamay ang Diyos. That’s very ungodly and a huge turn off. The statement says we should show respect, sensitivity, & compassion to one another at naniniwala ho akong ‘yan ang gusto ng Diyos. ‘Yan ang tama. 🙂 “At hindi naman ho tayo Diyos para mang-husga.

“Wala namang mention ito about marriage, pero personally, I’m not going to deny my LGBT friends the ‘protection’ that ‘straight’ people get kapag kasal.

“Think of insurances, healthcare, kahit bantay sa ICU, etc & not just sexual acts.

“Tama naman ho na may pinaniniwalaan kayo, pero careful lang sa kung paano sabihin.

“I have LGBT friends na sobrang bait, at ako ho ang nababastos para sa kanila.

“’Wag ho tayo mag-away-away.”

‘Yan ang mahabang paliwanag ni Angel.

“Gosh. Guys, tama naman to share the word of the Lord, but if we are sharing without showing compassion and love towards sa LGBT community, parang minemorize lang natin ang mga verses and not to mention, sounding self righteous 🙁

“Love first. Then let God handle your worries.

“I’m sure alam naman ng LGBT ang mga sinasabi n’yo. 🙂

“Pero who are we to judge, ‘di ba? Yun lang po,” dagdag pa ng aktres.

Mahal na mahal ng LGBT community itong si Angel dahil palaging nakasuporta ang aktres. Kabilang sa mga sumusuporta sa same-sex marriage sina Chito Miranda, Liza Dino, Aiza Seguerra.

Kung si Angel and company ay pabor sa same-sex marriage, kabaliktaran naman nila sina Ryan Agoncillo at Oyo Sotto na against sa same-sex marriage.

“The concept of same sex marriage scares the shit out of me.”

“It’s nice to change it up now and then y’ know.”

‘Yan ang comment ni Ryan.

“I do not support same sex marriage,” Oyo declared.

Well, kanya-kanyang opinion ang mga tao. Kaya lang, sa hindi pagsuporta nina Ryan at Oyo ay marami tiyak na gays and lesbians ang turn off sa kanila.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …