Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bimby at Darla, out na sa Kris TV; Ramon Bautista, ipapalit

 

 

052615 darla ramon kris bimby

00 fact sheet reggeeOUT na si Darla Sauler sa Kris TV simula sa susunod na linggo dahil papalitan na siya ni Ramon Bautista.

Ang kilalang teacher sa University of the Philippines at manunulat ang bagong co-host ni Kris Aquino sa nalalapit na selebrasyon ng ikaapat na taon.

Si Darla ang headwriter ng Kris TV na naging instant celebrity nang mapanood siya sa nasabing programa ng Queen of All Media na kasama nitong tagatikim ng pagkain sa mga restaurant na itinatampok nila sa programa.

Hindi na rin mapapanood si Bimby Aquino Yap dahil tapos na ang summer at back to school na ang bagets.

Kuwento nga ni Kris nang makatsikahan namin sa LBC Express launching bilang endorser, “I have a new co-host, very, very exciting, niligawan ko ‘yung co-host na ‘yun, hindi n’yo aakalaing papayag siyang makatrabaho ako kasi lalaki siya, he represents the young male and barubal and marami siyang hastags na napasikat pero he’s very well respected in the academe, mayroon din siyang mga best-selling books.

“Nagkaroon siya ng hesitation, kinausap ko siya, inaaral niya ako as we speak, tinext ko siya ng happy birthday, at sinabi niya na, ‘nanonood ako actually ng mga lumang episodes (‘Kris TV’)’ at ako naman, binabasa ko mga libro niya.”

At noong Sabado ay nagkita’t nag-meeting na sina Kris at Ramon tungkol sa bagong format ng Kris TV.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …