Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at James, magkaibigan daw kaya walang ilangan!

051815 Daniel Padilla james reid

00 SHOWBIZ ms mMALAYO o milya-milya ang agwat ng kasikatan ni Daniel Padilla kay James Reid kung popularidad ang pag-uusapan. Kung ilang beses na naming nasaksihan kung gaano karami at ka-wild ang fans ni Daniel. At dahil ang dalawa ang pinagtatapat, hindi maiwasang pagkomparahin at pagsabungin ang mga ito.

Pinagsasabong man, hindi naman nagpapa-apekto si Daniel at iginiit na hindi sila nagkakailangan.

“Wala, wala namang ilangan. Kapwa natin artista ‘yan. Kaibigan natin ‘yan,” ani Daniel sa presscon ng pinakabago nilang pagsasamahang teleserye ni Kathryn Bernardo, ang Pangalo Sa ‘Yo na mapapanood na sa Mayo 25, Lunes.

Ani Daniel, ”Magkaibigan kami ni James, dati pa. Magkaibigan talaga kami,” paglilinaw ng binata.

Samantala, masasaksihan na ng buong sambayanan ang engrandeng pagbabalik sa telebisyon ng classic Filipino love story na sumubok sa mga pangakong binibitawan ng bawat isa sa pagsisimula ng pinakaaabangang primetime teleserye sa ABS-CBN na Pangako Sa ’Yo.

Bukod kina Daniel at Kathryn, kasama rin dito ang tatlo sa pinakahinahangaang aktor sa industriya na sina Angelica Panganiban, Ian Veneracion, at Jodi Sta. Maria mula sa direksiyon ng pinakamagagaling na direktor sa bansa na sina Rory Quintos, Dado Lumibao, atOlivia Lamasan.

Umiikot sa kuwento ng sinumpaang pag-ibig ng isang kusinera na si Amor (Jodi) at ng lalaking nagmula sa isang mayamang pamilya na si Eduardo (Ian). Dahil sa paghadlang ng kanyang pamilya sa kanilang pagmamahalan, mapipilitan si Eduardo na iwan ang babaeng iniibig at pakasalan ang babae na napili ng kanyang ina na si Claudia (Angelica).

Matapos ang mahabang panahon, susubukin naman ng tadhana at pag-ibig ang anak nina Eduardo at Claudia na si Angelo (Daniel), nang makilala niya ang kaisa-isang babae na kanyang mamahalin, si Yna (Kathryn).

Ang Pangako Sa ’Yo ay sa ilalim ng produksiyon ng Star Creatives na unang umere noong 2000 na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ito ang unang Pinoy teleserye na mainit na tinangkilik at tinutukan sa iba’t ibang parte ng mundo. Mahigit sa 20 bansa kabilang ang China, Singapore, Thailand, at Malaysia ang sumubaybay dito. Binili rin ito ng Cambodian Television Network (CTN) ang format ng Pangako Sa ’Yo” mula sa ABS-CBN noong 2012 at gumawa ng localized version.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …