Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barubalang biruan ng mag-inang Alex at Mommy Pinty, kinastigo ng netizens

051415 alex toni pinty gonzaga

00 fact sheet reggeeGRABE pala kung magbarubalan ang mag-inang Mommy Pinty at Alex Gonzaga dahil sinasabihan ng ina ng ‘gago’ ang anak.

Na-post kasi ni Alex sa kanyang Instagram account ang palitan nila ng mensahe na ikina-react ng netizens.

”Random text namin ng mommy this week. Happy mother’s day to my mother hen!!! Sorry lagi kitang inaasar pero sabi nila the more you tease the more you love! Love youuuuu tipints! @mommypinty.”

Pero ang balik-sagot ni Mommy Pinty sa anak, “Gago ka sumakay ka sa dolphins pano kung magloko un.”

Hindi rin nagpatalo si Alex dahil sinagot niya nanay niya ng, “Dolphins are the nicest compared to you mom.”

At ang reaksiyon ni mommy Pinty, “Haaaaaa sama mong anak.”

Sa totoo lang, nakakatawa ang sagutan ng mag-ina at nakatutuwa kasi ganoon pala talaga sila kaya hindi na kami nagtataka kapag inilalaglag ng magkapatid na Toni at Alex ang nanay nila kapag presscon dahil nga super close sila.

Pero negatibo ang naging dating sa ibang nakabasa dahil naturingang Christians daw sina Mommy Pinty pero nagsasalita ito ng ‘gago’ sa anak.

Binura ni Alex ang ipinost niya marahil naapektuhan siya sa reaction ng netizens at pinalitan ng, “last week nagkaroon kami ng misunderstanding ng ate, Looky kung sinong chismosa sa nangyari!!!

“Ha ha this is how my mom and I joke with each other. Happy mothers day mother hen!!! I love you tipints! (Wala ng magreact ng OA kasi this is me just sharing why I love mommy pints).”

Ibang klase ka Alex Gonzaga kaya masyado kang guwardiyado ng magulang mo kompara sa ate Toni mo dahil nga kapag pinayagan kang lumarga, eh, hindi ka na raw bumabalik, ito mismo ang comparison sa inyong magkapatid ng daddy Carlito mo.

In fairness, hindi naman apektado ang viewers ng Inday Bote sa mga pinaggagagawa nitong si Alex or else lagot siya kay Mommy Pinty.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …