Sunday , April 28 2024

Comeback show ni Willie Revillame sa GMA walang ingay (Kung bongga sa dos at TV 5)

ni Peter Ledesma

032315 willie

HONEST pagdating sa pagdadala ng show, isa talaga kami sa bilib kay Willie Revillame. Kaya bukod sa maraming tagahanga, partikular na ang mga natutulungang lola at lolo, isa rin kami sa natuwa sa pagbabalik-telebisyon ng TV host comedian na this time ay sa GMA-7 napanonood every Sunday ang variety show.

Kaya lang ang sad part ay kung bongga ang mga dating show ni Willie sa ABS-CBN at TV 5 na parehong mga namayagpag talaga sa ratings, ‘yung programa ngayon ni Willie sa Kapuso network, na nag-pilot episode nitong May 10 lang na blocktimer siya ay walang kaingay-ingay!

Yes hindi talaga namin naramdaman last Sunday ang muling pagbulaga ni Willie sa TV kaya naghihinayang kami dahil alam naming may future ang programa. E sino ba kasi nagkulang para hindi mapansin ang controversial na komedyano sa comeback niyang ito? Well ang sagot bakit tila nagtipid ‘ata sa promotion ng kanyang show ang ating Kuyang Willie samantala isa siya sa kilalang ge-nerous na celebrity?

Korek! Kung pabonggahan lang din naman ng press con ay hindi nagpapakabog ang nasa-bing komedyano. Pero bakit tila nagpabaya siya ngayon? Sana gawan niya ng paraan lalo pa’t kaabang-abang naman talaga siya sa ganitong uri ng show. Sana ngayong darating na Linggo, ay muli naming marinig ang pagdagundong ng bo-ses ni Willie R., na sabay-sabay na maririnig sa buong compound kung saan kami nakatira.

Go go and Wowowin gyud!

JADINE LOVETEAM PINAGKAKAGULOHAN KAHIT SAAN, PELIKULA KASAMA SINA JULIA AT INIGO SHOWING NA NATIONWIDE

051315 JaDine Julia Barretto Inigo Pascual

After ng hit movies na “Diary ng Panget” at “Talkback And You’e Dead” sa Viva at Star Cinema at pagkagulohan kamakailan sa mall shows sa iba’t ibang malls para sa promo ng bagong pelikula na “Para Sa Hopeless Romantic” kagabi sa kanilang premiere night sa SM Megamall Ci-nema 7 ay muling pinatunayan ni James Reid at ka-love team na si Nadine Lustre ang lakas ng kanilang hatak sa fans. Yes libo-libong tagaha-nga at supporters ng JaDine ang sumugod sa nasabing sinehan para panoorin ang premiere night ng movie ng iniidolo nilang love team na this time ay ka-join nina James at Nadine sa film, ang papasikat na ring love team ngayon nina Julia Barretto at Inigo Pascual. Siyempre maraming fans rin ng dalawa ang nagpakita ng suporta sa kanila sa idinaos na recent premiere night.

We heard, na sobrang nag-enjoy at kinilig sa nasabing lead stars na pelikula ang majority ng mga nanonood ng movie na talaga namang certified SRO sa dami ng tao sa sinehan na punong-puno at may iba pa nga raw na ‘di nakapasok dahil di na kayang i-accomodate.

Mahirap na nga naman at baka magkaroon pa ng stampede kapag di kinontrol ang pagpapasok ng fans. At sa mainit na pagtanggap sa premiere night ng “Para Sa Hopeless Romantic” ay inaasahan na dadagsain rin ng moviegoers ang nationwide showing sa mga sinehan na magsisimula today, May 13.

Sa mga in love at heartbroken na hirap makapag-move on panoorin ninyo ang nasabing movie at tiyak na makare-relate kayo at mara-ming matututuhan sa character nina James at Nadine bilang Nicco at Becca ganoon na rin sa role nina Julia at Iñigo bilang Ryan at Maria na hango sa totoong nangyari sa buhay-pag-ibig ng famous novelist na si Marcelo Santos III na ginawang libro ngayon at isa sa topseller sa National Bookstore at iba pang bookstore sa buong bansa.

Ang popular na veteran writer at TV & Film scriptwriter na si Mel del Rosario ang natokang gumawa ng film adaptation nito. Sa ilalim ng direksyon ng blockbuster director na si Andoy Ranay na hasang-hasa sa paggawa ng rom-com movie. Ang Star Cinema at Viva Films ang nag-produced nito.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *