ni Vir Gonzales
MARAMI ang komporme sa desisyon ng ABS-CBN na si Megastar Sharon Cuneta ang ipalit kay Toni Gonzaga sa isang show. Hindi totoong nasindak sila sa muling pagbabalik ni Willie Revillame.
Sanib puwersa sina Boy Abunda at Kris Aquino sa pagpasok ni Sharon sa programa. Magkakasubukan, kung sino talaga ang lulutang sa tatlo.
May suggestion lang mga televiewers, sana lang daw, patas ang pagbabalita sa mga artista. Hindi ‘yung may pelikulang ipalalabas lang, kaya pinag-uusapan. Kailangan iba-ibang artista.
It’s unfair kasi. Well, dyan magaling si Sharon, sa pagtumbok sa mga artistang kasalukuyang pinag-uusapan, sikat man o hindi.