Thursday , June 4 2026

Pacquiao-Mayweather bout: Hindi epikong laban, isang scam!

050315 pacman floyd weigh in

BINANSAGAN ito bilang ‘fight of the century’ at isa sa greatest sporting event of all time. Kung nangyari si-guro ito lima o sampung taon nakalipas, pero hindi ngayon.

Ayon sa kolumnistang si Paul Newberry, ang Floyd Mayweather vs. Manny Pacquiao title bout ay isang matchup ng dalawang mandirigmang lipas na sa kanilang dating galing para makagawa ng sagupaang ina-asahang magpapa-excite sa mil-yon-milyong boxing fans sa buong mundo.

Epic nga ba ito?

Marahil, dahil maitutu-ring na ‘last hurrah’ para sa dating sport na dinadakila sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Gayon pa man, para sa promoter na si Bob Arum at kanyang mga kampon, salungat ang kanilang paniniwala.

“It’s a credit to the sport of boxing that we’ve been able to put on such an event,” wika ni Arum.

Ang totoo, kung naganap ang laban noong panahong dapat sana ginawa ito, nasaksihan sana ng buong sanlibutan ang pagsasagupa ng dalawa sa pinakadakilang boksingero ng kanilang henerasyon na nasa taluktok ng kanilang husay at lakas.

Ito sana ang nakapagpabalik sa boxing bilang dakilang sport na kinagigiliwan ng buong daigdig.

Simula kay Iron Mike Tyson ay naghihingalo na ito at ngayon ay muli na namang humihibik dahil sa-pat nang makitang unti-unting nabubulok ang sport at ang fans ay unti-unti na ring umaayaw.

Hindi nga ba’t kapag nawala si Pacquiao ay ano na ang mangyayari sa boxing?

May manonood pa kaya at gagasta ng daan-libo kundi man milyong dolyar para mapanood ang dalawang mandirigmang nagbabasagan ng mukha para sa glorya nito?

Ngayon ay maaari na nating ilibing ito—at ilili-bing na rin sa limot ang kadakilaan ng mga tulad nina Joe Louis, Muhammad Ali, Joe Frazier, Evander Holyfield at iba pa.

Sa katunayan, ang bi-nansagang ‘Battle for Greatness’ sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather ay hindi isang epikong sagupaan na bubuhay sanang muli sa boxing.

Ito ang nagbigay tuldok para sa pagwawakas . . . pagwawakas na nagbigay kalungkutan sa maraming fans sa mundo dahil ang mega-fight ay maituturing na isa lamang scam.

 

Kinalap Ni Tracy Cabrera

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …