Thursday , October 21 2021

Meralco kontra Globalport

020415 PBATARGET ng Meralco ang ikalawang sunod na semifinals appearance o mas higit pa roon sa kampanya nito sa season-ending PBA Governors Cup.

Makikita kung kaya ng Bolts na maabot ang pangarap na ito sa salpukan nila ng Globalport mamayang 7 Pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay bahagyang pinapaboran ang Alaska Milk kontra expansion franchise Blackwater Elite.

Dahil sa nakarating sa semis ng nakaraang Commissioner’s Cup ay 6-5 lang ang naging height limit ng import ng Bolts.

Kinuha nila ang 6-5 na si Andre Emet na makakasama ng 6-3 Iranian na si Benny Koochoie bilang Asian reinforcement.

Si Emet ay kamakailan ay pinarangalan bilang Most Valuable Player ng NBA D-League. Siya ang 35th overall pick ng Seattle Supersonics noong 2004 NBA Draft

Sa umpisa ay gusto sanang kunin ng Meralco ang Iranian superstar na si Mehdi Kamrani bilang Asian reinforcement. Subalit nang hindi ito maging available ay kinuha na lang ng Bolts ang 29-taong gulang na si Koochoiei, isang beterano ng Iranian Super League. Nakapaglaro rin siya sa Jiangsu Nangang Dragons sa Chinese Basketball Association.

Kinuha ng Globalport ang seven-footer na si Patrick O’Bryant na nakapaglaro para sa Golden State Warriors, Boston Celtics, at Toronto Raptors sa NBA.

Makakatambal ni O’Bryant ang 6-1 Palestinian na si Omar Krayem. Huli itong nakapaglaro para sa Miners de Caborca sa Mexico. Naglaro din siya sa Sweden, Finland, Hungary at Pelestine.

Makakatulong nina O’Bryant at Krayem sina Stanley Pringle at Terrence Romeo.

Main locals ng Meralco sina Gary David, Jared Dilinger, Cliff Hodge at Reynell Hugnatan.

Ang Alaska Milk, na runner-up sa San Miguel Beer sa Philippine Cup, ay umabot sa quarterfinals ng Commissioner’s Cup kung saan nawalis ng Purefoods Star, 2-0.

Ang Aces ay pamumunuan ng University of Akron na si Romeo Travis. Nakapaglaro rin siya sa Israel, Croatia, Ukraine, at Russian.

Ang Blackwater Elite, na nangulelat sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ay muling sasandig sa naturalized Filipino slotman na si Marcus Douthit.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy …

Bayanihan Chess Club

Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge

GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit  ang …

Anthony Joshua, Oleksandr Usyk, Roy Jones Jr

Jones Jr., desmayado sa taktikang ginamit ni Joshua kontra Usyk

NAPAHAYAG ng komento si Roy Jones, Jr., sa pagkatalo ni Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk noong …

Carlo Biado, 9-Ball, Billiards

Biado sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship

PANGUNGUNAHAN ni Carlo Biado ang listahan ng Filipino players na sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship …

Manny Pacquiao Retiring

Pacman goodbye boxing na — I just heard the final bell

FACT SHEETni Reggee Bonoan TULUYAN nang isinampay ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang boxing gloves bilang hudyat …

Leave a Reply