ni Roldan Castro
TEN seconds lang ubos na raw ang tiket na ibinibenta sa Fight of the Century nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.. Marami ang drsmasyado na hindi makakapanood ng live sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada. ‘Yung sponsor viewing ay posibleng tumaas pa raw ang rate.
Anyway, tiyak matututukan ang bawat suntok at galaw sa pinakahihintay na laban nina Manny at Mayweather Jr. sa Mayo 3 (8:00 a.m.) sa live coverage nito sa pay-per-view (PPV) hatid ng ABS-CBN TVplus, ang mahiwagang black box.
Gawing mas exciting at mas malinaw ang panonood ng makasaysayang boxing match na walang commercials sa halagang P2,500, isang special offer na hatid ng ABS-CBN TVplus hanggang Abril 30. Sa TVplus, una rin sa balita sa resulta nitong makasaysayang laban.
Sa loob ng 48 oras matapos magbayad, maa-activate ang TVPlus Xtra Channel na mapapanood ang laban sa Mayo 3.