Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Padilla, mas mukhang action star kaysa singer

043015 JC daniel Padilla

00 fact sheet reggeeKAILANGAN sigurong magpapayat ni JC Padilla kung talagang seryoso siya sa singing career niya ngayong isa siya sa inilunsad ng Star Music bilang OPM Fresh noong Martes dahil mukha siyang action star.

Nakasalubong namin si JC at hindi namin nakilala dahil sumobrang laki ng katawan at hindi rin niya kami kilala kaya tiningnan lang niya kami at hindi man lang ngumiti na kabaligtaran ng kuya Daniel Padilla niya na maski hindi niya kilala ang taong nasasalubong ay bumabati at yumuyuko na nakuha niya sa tiyuhing si Robin Padilla. (Parang hindi na rin Regs. O baka pagod lang that time noong makasalubong namin si Daniel. Although pinagbigyan naman niya ang lahat ng nagpa-picture sa kanya. Pero sana nga hindi pa rin nagbabago ang binata ni Karla.—ED)

Pagtatanggol naman ng mga dikit sa pamilya Padilla ay sobrang mahiyain daw si JC kaya hindi namamansin, okay fine!

At napansin na rin namin na sa Q and A ay mahiyain nga dahil halatang kinakabahan nang tanungin siya ng entertainment press kung ano ang pagkakaiba ng boses nila ni DJ na may album na rin.

“Siguro masabi ko lang na difference namin hindi ko naman inilalayo ‘yung boses ko and hindi ko rin naman ginagaya.

“Pero siguro magkaiba talaga ‘yung style namin, mas husky ang boses ko. Mas clean kay kuya. Mas pang-pop ang boses niya,” sabi ni JC.

Oo nga, pinakinggan namin ang awiting Kasalanan na kasama sa OPM Fresh na orihinal na kanta ng Orient Pearl at kaboses talaga ni Daniel si JC.

At sa tanong kung ano ang mga bilin sa kanya ng mama Karla Estrada niya at ni Daniel? “Bilin nila na i-enjoy ko lang ‘yung blessings na dumarating sa akin and stay humble,” sabi pa ng binata.

At sa tanong kung planong pasukin n JC ang pag-arte tulad ni Daniel, “singing lang forever,” mabilis niyang sagot.

Siguro dapat ding pag-aralan ni JC ang maging magiliw sa entertainment press para hindi siya mapagkakamalang suplado.
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …