Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich, nakipaghiwalay sa non-showbiz BF para raw kay Daniel

ni Alex Brosas

042515 erich gonzales daniel matsunaga

HIWALAY na si Erich Gonzales sa kanyang businessman boyfriend.

It appears na may malaking kinalaman si Daniel Matsunaga sa break-up ng dalawa. Ang Brapanese model daw kasi ang third wheel sa split ng couple.

Sa mga nabasa naming chika sa social media, lumalabas na itong si Erich ang nakipag-break sa businessman-boyfriend niya. All because of Daniel.

Nagsimula raw ang romantic interlude nina Daniel at Erich nang magsama sila sa isang teleserye about kabit. Initially, friendship lang ang namamagitan sa kanila until na-develop yata itong si Erich.

Madalas daw na nagkakasama ang dalawa sa mga gimikan, ang dating hindi pala-party na si Erich ay naging party animal daw. Siyempre, sa madalas nilang pagsasama sa taping at sa mga gimikan, idagdag pa ang madalas nilang pagkikita sa tapig ng show ni Kris Aquino ay may namuong romansa sa kanilang dawala.

Nagulat na lang daw ang boyfriend ni Erich nang manlamig sa kanya ang Kapamilya actress, ‘yun pala ay may iba na itong mahal.

Actually, madgyowa na nga raw sina Daniel at Erich, hindi lang nila maamin dahil lalabas na masama ang dalaga. Siyempre nga naman, kabe-break lang nila mayroon na kaagad kapalit ang boyfriend niya.

Ang daming sweet moment photos na ipino-post si Erich sa kanyang Intagram, madalas ay kasama pa nila ang pamilya ni Daniel.

Kung magdyowa nga sina Erich at Daniel, aba, nag-downgrade si Daniel, ha. From Heart Evangelista ay isang Erich lang ang ipinalit niya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …