Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadia, itinangging magkaka-away sila nina Precy at Laarni

042415 Nadia Laarni Enriquez Precy Vitug-Ejercito

00 fact sheet reggee“NAGUGULAT ako Reggs, hindi ko alam san galing ‘yung isyu na ‘yan, you can check may Twitter wala akong ipino-post. And I don’t have Facebook account, kaya nagugulat ako,” pahayag sa amin ni Nadia Montenegro nang makita namin siya sa grand finals taping ng Move It Clash of the Streetdancers na kasama sa finalist ang anak niyang si Anykka Asistio.

Sina Laarni Enriquez at Precy Vitug-Ejercito ang nababanggit na kaaway daw ni Nadia at nalaman namin ito nang tawagan kami ng kilalang personalidad para tanungin kung totoo ang isyu na nabasa rin daw niya sa isang pahayagan.

Kaya sakto naman na noong pumunta kami sa grand finals taping sa TV5 Novaliches ay naroon nga si Nadia kasama ang buong pamilya bilang suporta kay Anykka.

“Reggs, I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy or ni Laarni, magkakaibigan kami at kumare ko sila, ninang sila ng mga anak ko, kaya nahihiya ako, ano ba ‘yan. Hindi totoo ‘yan, san kaya galing ‘yan,” paliwanag sa amin ng mama nina Anykka at Inah.

Anyway, napanood naming sumayaw sa Move It Clash of the Streetdancers na mapapanood si Anykka at mahusay pala kaya pala naging wild card siya sa dance show na mapapanood sa Linggo, 7:00 p.m. sa TV5 na hino-host nina Jasmin Curtis Smith at Tom Taus Jr..

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …