Sunday , May 19 2024

The World Famous Elvis Show, hahataw na sa Resorts World Manila!

042415 elvis presley

00 Alam mo na NonieNASA bansa na si Chris Connor. Dumating siya noong April 22 para sa three night concert series niya na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa April 24, 25, at 26. Pinamagatang The World Famous Elvis Show, isa itong natatanging pagtatanghal na hatid ng Rotary International District 3830 sa tulong ng Royale Chimes Concerts & Events, Inc.

Ito’y magtatampok sa Elvis Presley tribute act ni Chris Connor at ng banda niyang The Steels. Dito’y muling bibigyan buhay ni Chris ang highlights sa memorable concerts ni Elvis na That’s the Way It Is at ang sold-out show niya noong 1972 sa Madison Square Garden, New York.

Si Chris ang kauna-unahang binigyan ng ‘World’s Best Elvis Performer’ award na tinukoy sa pamamagitan ng isang worldwide official fan poll. Ibinigay ang naturang parangal last year kaugnay sa pagdiriwang ng Elvis Week sa Memphis na siyang hometown ng King of Rock and Roll.

Ilan sa mga kanta na mariri-nig sa concert ay Proud Mary, Can’t Help Falling in Love, Hound Dog, Blue Suede Shoes at marami pang iba.

Walang duda na mag-e-enjoy ang audience sa show na ito dahil kamukhang-kamukha at kaboses talaga ni Elvis Presley ang tribute act na si Chris Connor. Ito ang dahilan kung bakit sold-out ang shows ni Chris sa Europe-Ireland, Holland, the UK, Australia, at sa US sa Atlanta, New Orleans, New York at mismong sa hometown ni Elvis sa Memphis.

Pati na si Joe Esposito, ang bestfriend at kanang kamay ni Elvis sa halos 17 taon ay namangha at bumilib sa husay ni Chris nang mapanood niya itong mag-perform.

Ang World Famous Elvis Show ay sinuportahan din ng UK Derm Erase, Creativepedia Corporation, RJ 100.3 FM, Mossimo Radio, Mellow 94.7, Easy Rock 96.3, Retro DCG-FM 105.9, Energy FM 106.7, at Business World. Ang tickets para sa The World Famous Elvis Show ay available sa Ticketworld, SM Tickets at Ticketnet outlets.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *